Sunday, December 30, 2012

The Day when we had our couple ring.

the day when we dedicated our selves for each other.

Our First Couple Shirt


Leimon 04

My Valentine Gift to Her




My Valentine Gift to her. ^^, Feb 14, 2011, naibigay ko ng Feb 15 ng madaling araw via mcdo, with a letter at ilang takal ng kakulitan para pumayag syang makipagkita. ^^, Letter na madaling araw ko sinulat, kahit kelan hindi kumukupas ang sulat... ^^, it hits the spot. she always smile kahit hindi gaano creative pagkakagawa ko^^,

Friday, December 28, 2012

I love you


You know her and you love her.




hindi ko akalaing God will trust me to have this girl.
not perfect but amazingly beautiful in her very own way.
every time you realized how much you love her, 
it makes you feel so comfortable, so secured,
that finally you have her.
na wala ka nang kailangan isipin kundi yung paghahanda para sa kinabukasan nyong dalawa.
just keep in mind everything about her..

everytime na may sinusulat siyang tula o kwento, lagi mong basahin yun,

kailangan andyan ka lagi para iappreciate lahat ng pinaghirapan nya. You're making her happy by doing that. 
natutuwa siya pag ganun kasi ibig sabihin pinapahalagahan mo lahat ng pinaghihirapan nya.

pag may binibili syang damit o sapatos, purihin mo lahat ng napipili nya.

at kasunod nyan tatanungin ka nya kung bagay ba.. 
ihanda mo na agad ang sagot mong oo kung oo at kung ayaw mo na suotin nya yun sabihin mong hindi, susunod agad yan, 
dahil pinapahalagahan nya ang opinyon mo, 
there is no other more important opinion for her than yours.
kailangan matibay din binti mo kasi lahat ng tindahan pupuntahan nyan. 
pag may upuan umupo, samantalahin habang namimili siya. hehe

pag may binili siyang damit sabihin mong maganda kahit hindi mo maintindihan kung bakit yun ang pinili nya, 

coz it will make her feel relieve na alam nyang nagustuhan mo ung nabili nya.
sabihin mong bagay sa kanya, tiyak ikakatutuwa nya yun.
paminsan minsan pagbawalan mo rin sya sa mga damit na ayaw mo, 
kasi by this pinapakita mo sa kanya na pinoprotektahan mo sya.
pag bagong linis ang kuko nya purihin mo yun kasi gustong gusto nya na pinupuri ang kuko nya,

pag hindi siya makatulog tiyak magtetext yan at maglalambing sayo..

kahit gano ka pa kaantok pilitin mo magreply
kaya dapat laging nakaloud ang phone mo kasi kahit hindi nya sabihin nalulungkot yan pag matagal kang hindi nagreply.
makikita mo nlng puro sad face ang phone mo dahil sa pagkamiss nya sayo.

madali din yang matakot o madiri, 

grabeh din yan makareact pag nanunuod kaya maging alert ka baka tumalsik ka nalang sa pagkabigla hehe,
pero wag mo ipapakita na natutuwa ka kasi madaling mawala concentration nyan sa panunuod pag alam nyang tinitingnan sya.
hide your happiness while watching her. 

takaw tingin din yan sa pagkain, lahat gusto pero hindi naman uubusin kaya pag aalis kayo siguraduhin mong gutom ka.

mabilis din yan mainis sa sitwasyon lalo na pag pagod kaya kailangan mahaba ang pasensya mo.
wag mong sasabayan ang init ng ulo nya..
pag pagod yan matututo kang maghintay na bumuti ung mood nya, 
kasi yan pagnakatulog yan, at nakapagpahinga, magugulat ka sa paglalambing nyan 
pagkasama mo yan, lagi mo siyang libangin dahil pag yan nakapansin ng mga bagay sa paligid mo dahil magcocoment at magcocoment yan,
kaya kailangan alert ka para sawayin yan. hehe
pag oorder ng pagkain wag na wag mong hahayaan na sya ang pumunta sa counter at gera ang mangyayari kawawa yung cashier hehe.

paminsan minsan pagalitan mo sya, para maramdaman nya na pinanghahawakan mo yung authority para alagaan at protektahan sya, 

alam din nya kung kelan sya dapat makinig sa galit mo,
pero pagtapos mo magalit siguraduhin mo na aamuin mo sya dahil sasama ang loob nyan at worst iiyak at malulungkot yan.

napapangiti mo sya pag nakikita ka nyang nagseselos ka kaya wag mo dadaanin sa inis ang selos, 

alam nya pag galit na ka na, pag nagtatampo ka wag mong madaliin na lambingin ka nya, 
she will know what to do and how to do it,
wag mo syang pangunahan, just trust her, hindi nya papabayaang magtagal ang galit mo na yun.
ayaw nya ng paulit ulit kaya wag mo syang ririndihin at masisigawan ka nyan ng wala sa oras. hehe 
and worst mabababaan ka ng phone, 
pero kahit ganun, wag kang susuko sa panunuyo sa kanya, 
dahil hihintayin nyan ang tawag mo, 
patayan ka man ng phone hindi nyan matitiis na buksan uli un kaya wag kang susukong suyuin sya.

everytym na may gusto sya kailangan icomfort mo sya.. 

kailangan siguraduhin mo sa kanya na magiging maayos din ang lahat at makukuha nyo din ang gusto nya na un dahil dun mapapapanatag mo sya,
at siguraduhin mo na matutupad mo lahat ng mga pangako mo sa kanya..
na kahit paunti unti may pinatutunguhan dahil yan ang magpapalakas ng loob nya, 
dahil talagang maghihintay yan. ganyan xa.. panghahawakan nya ang pangako mo na yun araw araw.

may mga pagkakataon na pababy din sya,

wag kang magrereklamo dahil its her way of saying, 
"pls be careful of me.. pinagkakatiwala ko sayo ung pag aalaga sakin",
kaya matuwa ka pag ganyan ang asal nya sa harap mo dahil inilalabas lang nya un pagiging pababy nya na yun, 
dahil alam nyang aalagaan mo sya.

mabilis yang magalit..gaya ng kasing bilis nyang umiyak..

kaya be careful with her emotions, kailangan laging mong pansin ung mood nya, 
pag nalulungkot sya kailangan handa kang patawanin sya.

may pagkakataon na napapagod sya.. at gusto na nyang sumuko sa work o mga poblema,

kaya kailangan andyan ka..at ano man mangyari andyan ka para saluhin sya.
at mabilis din yan gumawa ng mga aggressive na desisyon by using only her emotion, lalo na pag pagod at naiinis, 
kaya pg nangyari yun lagi ka dapat andyan para magpahinahon at sumuporta sa kanya.
at iparamdam m sa kanya na ano man maging desisyon nya, 
andun ka sa tabi nya, sasamahan mo sya at pagtutulungan nyo lahat ng bunga ng desisyon na yun,
it will make her feel at ease at confident dahil alam nyang kasama ka nya sa pagharap sa kahihinatnan ng mga yun.
gaya ng kagustuhang magtanan o magresign iparamdam mo sa kanya na kahit ituloy nya ang mga yun, 
while explaining every consequences, make her feel that youre in her side. 
na sabay nyong haharapin ang mga bunga nun.

mahal na mahal nyan ang pamilya nya.. kaya mahalin mo din sila at pahalagahan, dahil ikatutuwa nya yun.

madali yang makapansin pag nagsisinungaling ka kaya kahit kelan wag na wag kang magsisinungaling sa kanya,
ok lng na magsabi ng totoo, maunawain yan, papayagan ka nyan pag kailangan, 
minsan nga sya pa ang magsasabi na magenjoy ka dahil malaki ang tiwala sayo nyan.
pero pag sinabi nyang AYAW, o WAG, o HINDI PWEDE, 
wag ka nang magtatanong uli dahil fix na yung sagot na yun baliktarin mo man ang mundo hindi na magbabago yun, hehe
at higit sa lahat..
laging kang gagawa ng paraan para mapangiti sya..
lagi mong iparamdam sa kanya kung gano mo sya kamahal.
nakakatulong un sa kanya.. sa araw araw.